ghelliebeans-talk

.... what matters is that I know myself and i know how i look like inside and out. - maze20

Wednesday, May 6, 2009

DaVaO, dAvAo, DaVao

... last Sunday, i was so exctied sa magiging OB trip namin ni Che... and yes, im going to davao with che. 1st time na may kasama ako out of town... and masama nga yata talaga ang sobrang excited coz instead na makasakay kami ng plane ng 7:55am, we ended at 11:55am flight... inshort naiwan kaming dalawa ni Che... LATE AKO! we tried na makiusap sa counter dahil hindi pa naman boarding e... so bakit hindi na pwede??? sobrang na-shock kami. and we have no choice but to buy another ticket going to Davao. At mas lalo pa kaming na-shock ng malaman namin kung magkano ang dapat naming bayaran... read : it's 5,127, imagine... parang gusto ko ng umuwi at pumasok kinabukasan na may dala ng resignation letter. i hate my life... but most especially... i hate myself. before, sabi ko sa sarili ko, mas ok pag ang OB namin out-of-town kasi pwede kaming mag-taxi unlike pag within metro manila lang, hindi pwede... and sobrang takot kasi akong mag-commute lalo na pag jeep or bus and lalo na pag 1st time sa lugar. but after this... grabe, 5k agad... hirap ka na, butas pa ang bulsa... saan ka pa. sa plane, di ko alam kung pang-asar ba talaga or what... ang prize ng Cebu pacific sa kanila fun game.... guess what???? sunsilk shampoo.. hahahahaha, akala ko souvenir item from CEB (kasi yun naman talaga), hay natawa na lang kami ni Che... so to cut the story short... we had our lunch before pa mag-boarding, buti hindi delayed ang flight. 1:30 nasa davao na kami ad when we saw our room (we stayed at Microtel Hotel)..... ..... ..... shocks... ang ganda! sabay pa kami ng reaction ni che... hahahahaha parang nawala yung iniisip namin kanina. konting picture-picture then punta na kami sa store....
Sa store (Robinsons Cybergate Mall - Davao):
How nice of them... ready na ang mga items for scanning (syanga pala, kaya kami nasa Davao is for the scanning activity, we do that to all new stores of RSC bago pa magbukas, to avoid problems sa mga POS). cashiers and merchandisers ang mga nakatulong namin, mababait silang lahat... actually even the officers pala :)... 7:00pm, we decided na i-continue na lang tomorrow ang scanning, so after 15mins nasa hotel na ulit kami... kakapagod... sobra... buti na lang ang mcdo ay nasa harap lang namin... medyo nakakapag-move on na kami ni Che, tumatawa na kami hehehehehehe :)

2nd day (may 5):
we woke up at 6am (we have to be in the store at 7am):
.. so continue lang sa scanning, scan.. scan... oopsss... item not found... check.... check... barcode not found.... check again... paging Sir Jofu or Dave of ISD to customer service pls.....

Lunch... we decided to have our lunch sa People' Park... badtrip! 1pm pa mag-oopen ang park... huh! ano ba yan... so hanap muna kami ni che ng makakainin... a kami ay napunta sa TAPS... (tapsilog, tocilog,..etc.) syempre kung saan ang mura dun kami since P70.00 lang ang meal budget namin (sigh!) ok naman... nagtanong kami sa guard kung malapit lang ba ang butterfly farm but ubfortunately hindi daw nya alam... pero since sabi ko nga kanina mababait ang mga taga-Davao... yung isang customer na medyo malapit lang sa tabi namin, tinanong kami kung ano daw yung hinahanap namin... so sabi namin butterfly farm.. yes! alam nya daw... malapit lang daw sa crocodile farm sa may ma-a... tapos bigla kaming nalungkot kasi 30mins na taxi pa daw to get there... hay.... wawa naman.... so hinintay na lang namin na magbukas ang park... umupo kami sa bangketa at naghintay... hintay... hintay.... 1pm na. yes, so pasok na kami... wah... ang init... pero wala kaming kiber :) picture dito picture duon... then taxi ulit pabalik ng store :). mga 5:30, tinanong namin si Ms.Cel kung saan ba pwedeng bumili ng pasalubong... sabi nila ok daw ang Lola Abong's... so paglabas namin ng store ng 6:30... gosh ang lakas ng ulan... may bayo ba... takbo kami kahit umuulan at sakay ng taxi... "manong alam nyo po ba ang lola abong's" "anong kalye sya... hindi ako masyadong pamilyar e" naku patay na, pareho naming hindi alam so sabi namin baba na lang kami buti na lang mabait si manong at ibinaba kami sa waiting shed..., sunod na taxi... out of the way daw pa-garahe na sya... sunod ulit na taxi... ayun alam na nya... nung una akala namin kung saan na kami pina-ikot ikot, ang tagal eh... then nung pauwi na kami we realized na hindi naman pala... malayo sya talaga... pag-uwi, nag jeep na lang kami (sayang ang pamasahe hehehehehe) nagtanong kami kung paano makabalik ng Damosa... sa kanto.. lakad takbo ulit kami ni che habang umuulan ng malakas... nag tak-out na lang kami sa mcdo ng dinner namin... ang problema... ang lakas ng ulan,... tumakbo na lang kami ulit kesa maghintay.... hahahahaha sobrang basa kami, pwedeng pigain ang damit... gosh! sa hotel, biglang nagbrown-out ( ano ba namang buhay toh tsk! tsk! tsk!) pero may generator naman, di na nga lang pwede ang generator... so tiningnan na lang namin ang mga pictures namin kanina :) ooppss may kuryente na. yehey!!!! watch watch watch ng tv. tomorrow, balik na kami ng manila.... gudnyt

day 3 (may 6):
breakfast at 8am, super madali kami... dapat 8:30am alis na kami ng hotel going to airport (10:10am ang flight namin)... so ok naman naman ang breakfast, pag-akyat namin to get our things... aba.. ayaw ba namang mabuksan ang pinto ng room namin... hay... ano ba 'tong nangyayari sa amin... kung kelan nagmamadali..... sa airport... check-in na kami agad at hintay sa waiting lounge... hehehehe ang aga na namin... hay... mahirap na masaya naman kami ni Che... sabi nya nga naging masaya naman daw kami :)

dAvao:

  1. merong non-aircon taxi (flat rate is 26.00)
  2. cab drivers : super courteous lahat
  3. malinis ang davao
  4. hindi nakakatakot magtanong sa mga tao, hindi ka nila lolokohin
  5. pwedeng gumamit ng cellphone kahit habang naglalakad sa kalye
  6. accommodating sila

2 Comments:

At May 9, 2009 at 9:43 PM , Blogger Unknown said...

disaster!

 
At May 13, 2009 at 1:32 PM , Blogger bente said...

super disaster!

 

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home